Mas maganda siya kay Myrtle. Promise!
No hates. Just love Karen! :D Lols. Dawwww?
(Source: asdfghjklchelle)
May 24
effort | nakakapagod | masaya | enjoy
pumunta ulit ng school para kunin ang regform at para makapag-enroll na rin. medyo nagmadali ako pumunta sa school kaya hindi na nakapag-agahan. buti na lang good vibes dahil walang pila sa pagkuha ng regform at hindi ganon kahaba ang pila sa pagbabayad ng tuition. pumila na agad ako kasama ang mga classmate ko para hindi kami abutan ng cut-off or lunch break. at buti naman hindi nga kami inabot.
pupunta dapat kaming sm kaso bigla ko naisip na pumunta sa bahay ng classmate ko dahil malapit na rin dun yung bahay ni crush. tinext ko si crush kung pwede ba ko pumunta sa kanila. dapat talaga surprise to e kaso hindi ko alam mismong bahay niya kaya sinabi ko na rin. yun nga lang hindi siya nagreply. edi hindi na talaga kami pumuntang sm. pumunta na kami sa bahay ni classmate. tambay saglit dun. naghihintay pa rin ako ng text niya kaso wala pa rin. tinext ko ulit siya kaso wala talaga reply hanggang sa pumunta kami sa plaza ng bayan nila. picture picture saglit. :) pumunta sa munisipyo nila na maganda ganun din sa maganda nilang simbahan.
naniniwala ba kayo na kapag first time mo pa lang makapunta sa isang simbahan e matutupad raw ang hiling o dasal mo dun?
so ayun, nagdasal ako para sa aking pamilya: kay nanay, tatay, kapatid, sa akin at sa iba ko pang kapamag-anak. :)
anyway.. ayun bale hindi nga ako nagbreakfast at hindi pa rin ako, kami naglulunch, kumain na lang kami ng kwek kwek sa plaza. sa sobrang gutom ata namin o sa sarap e nakailang kwek kwek ata kami. XD syempre nabusog! :P bumili rin ng sago’t gulaman pamatid uhaw namin. :P naisipan ko siyang itext na nakatambay ako sa plaza nila, kaso wala pa ring reply. sabi nga ng mga classmate ko tawagan ko na daw kaso ayoko. hindi naman kami ganun kaclose para gawin ko at isa pa, nahihiya ako.
halos 5pm na, kaya kailangan na naming umuwi. baka kasi abutin na naman ng gabi sa daan mahirap na at kapag nagkaganun hindi na naman ako papayagan makagala nito.
hanggang sa naglalakad na kami papuntang terminal ng jeep, naisip ko na sayang kasi hindi kami nagkita ni crush. dati kasi pilit niya akong pinapapunta sa kanila, dalawin ko naman daw siya minsan tapos ngayon, kung kailan pumunta na ako hindi naman siya nagtetext para malaman ko yung mismong bahay nila. sayang lang talaga. nag-effort ako pumunta kahit na sobrang init, hindi ko na inisip yung pamasahe na magagastos at yung oras kasi gusto ko talaga siya makita. hay.. ganto talaga, baka may iba pang pagkakataon.
sumakay na kami ng jeep kasama yung isa kong classmate. grabe! ang init! parang nasa oven kami! siksikan pa na parang sardinas na ipinipilit na siyaman ang jeep. -__- hanggang sa umandar na ang jeep. may malamig ng hangin na pumapasok at labas kaya medyo presko na rin mala-sardinas kami sa loob.
naisip ko na itext ulit siya para lang sabihin na pauwi na ko. hindi ako mapakali at tinignan ko ang cp ko, nagreply din siya sa wakas kaso bakit ngayon lang? yan ang naisip ko nung nakita ko na nagtext siya.
ayun, medyo nakakadala at medyo na-disappoint lang ako pero baka busy lang talaga siya tsaka nagrisk ako pumunta kahit na hindi siya nagreply. hindi niya kasalanan yun, pagkakamali ko yun pero sana nagtext kahit once lang na hindi kami magkikita or busy siya ganun. HAHAHA pero mali talaga ako e. umasa ako na magkikita kami. :|
May 23
pumuntang school para ayusin ang enrollment. gumising ng maaga para maaga rin matapos. pumili ng section pero wala rin, section 2 pa rin pinili namin. talagang pinanindigan na namin ang pagiging section 2 simula first yr. nagpasa ng sabay-sabay para hindi na kami magkahiwa-hiwalay. naghintay din ng matagal para makuha na yung mismong regfrom namin kaso mahina daw ang kuryente kaya hindi makapagprint ng regform. sayang lang effort paghihitay dun. edi sana nakauwi na kami ng maaga at nakatipid pa ng oras at pera.
“h i … |”
yan yung nakalagay sa pop-up card na ginawa ko. XD pero syempre sample lang yan kaya ganyan kaliit. fail nga yan e. kasi sa tuwing tinitiklop ko at pagbukas, hindi natayo yung i. gagawa na lang ako ng bago. :| yan ang inaatupag ko ngayong araw, kung paano gumawa ng pop-up card kaso yun nga, fail. para sana kay crush yan. dun sa may | magdidikit ako ng drawing/anime basta parang nagrere present na ako yung nagsabi nun. basta yun. pasensya hirap explain. XD

